Wednesday 5 March 2014

O, ILAW (Aking Bituin)

O, Ilaw (Aking Bituin) - Larry Miranda 

TAGALOG SONG LYRICS

O, ilaw, sa gabing malamig 
Wangis mo'y bituin sa langit. 
O, tanglaw, sa gabing tahimik 
Larawan mo, Neneng, 
nagbigay pasakit. Ay! 

Gising at magbangon 
sa pagkagupiling 
Sa pagkakatulog 
na lubhang mahimbing. 
Buksan ang bintana 
at ako'y dungawin 
Nang mapagtanto mo 
ang tunay kong pagdaing. 

-----

ENGLISH TRANSLATION

O, light, in the cold night
You're like a star in the sky
O, light, in the quiet night
Your picture, Neneng,
makes one hurt. Oh! 

Awake and arise 
from slumber
from your sleep 
so deep.
Open your window 
and look out to me
So that you may understand
my true lament.

~~~

Sinuri ko ang tulang ito gamit ang Teoryang Formalismo na may layunin na iparating ang kahulugan sa mga mambabasa sa tuwirang paraan. Ibig sabihin, kung ano ang nasa tula, iyon din ang gustong iparating ng manunulat. Hindi mo na kailangan suriin para sa malalim na kahulugan.

Unang saknong
Unang linya: O, ilaw, sa gabing malamig
Paliwanag: Mayroong ilaw na makikita sa gabing malamig

Ikalawang linya: Wangis mo'y bituin sa langit
Paliwanag: Kamukha ng ilaw ang bituin sa langit

Ikatlong linya: O, tanglaw, sa gabing tahimik
Paliwanag: Mayroong sulo na makikita sa gabing tahimik

Ikaapat na linya: Larawan mo, Neneng, nagbigay pasakit. Ay!
Paliwanag: Ang larawan ni Neneng ay naging pahirap o pabigat

Ikalawang saknong
Unang linya: Gising at magbangon sa pagkagupiling
Paliwanag: Bumangon ka sa pagkalugmok o pagkatalo

Ikalawang linya: Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing
Paliwanag: Matindi at malalim ang pagkakatulog

Ikatlong linya: Buksan ang bintana at ako'y dungawin
Paliwanag: Tumingin sa labas ng bintana para siya ay makita

Ikaapat na linya: Nang mapagtanto mo ang tunay kong pagdaing
Paliwanag: Nang maisip mo ang tunay niyang pakikiusap o pagsusumamo

~~~